Matthew 4:12-22

Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain

(Mar. 1:14-15; Luc. 4:14-15)

12Nang mabalitaan ni Jesus na nakulong si Juan, bumalik siya sa Galilea. 13Pero hindi na siya nanirahan sa Nazaret kundi sa Capernaum, isang bayan sa tabi ng lawa ng Galilea at sakop ng Zabulon at Naftali. 14Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias:

15“Ang lupain ng Zabulon at Naftali ay daanan patungo sa lawa
daanan patungo sa lawa: o, malapit sa lawa.
at nasa kabila ng Ilog ng Jordan.
Ang mga lugar na itoʼy sakop ng Galilea at tinitirhan ng mga hindi Judio.
16Nabubuhay sa kadiliman ang mga tao roon, ngunit makakakita sila ng matinding liwanag.
Kahit nasa kadiliman sila at natatakot mamatay, maliliwanagan sila.”
Isa. 9:1-2.

17Simula noon, nangaral na si Jesus. At ito ang kanyang mensahe: “Pagsisihan na ninyo ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na
malapit na: o, dumating na.
ang paghahari ng Dios.”

Tinawag ni Jesus ang Apat na Mangingisda

(Mar. 1:16-20; Luc. 5:1-11)

18Habang naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na mangingisdang sina Simon (na tinatawag na Pedro) at Andres na naghahagis ng lambat. 19Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.”
mangingisda ng mga tao: Ang ibig sabihin, tagahikayat ng mga tao na lumapit sa Dios.
20Iniwan nila agad ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.

21At habang patuloy sa paglalakad si Jesus, nakita niya ang magkapatid na sina Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedee. Nakaupo sila sa bangka kasama ng kanilang ama at nag-aayos ng lambat. Tinawag din ni Jesus ang magkapatid. 22Iniwan nila agad ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.

Copyright information for TglASD